“LUHA ANG KAPILING”
Binabaybay landas na walang katiyakan
Bigat yaring dibdib, parang may nakadagan
Pakay sa paghahanap, dalanginay matagpuan
Mahal namin sa buhay kinuha nang sapilitan.
Larawan ng nawalay, tuwina’y tinutunghayan
Kaya’t itong luha’y, dumadaloy nang di namamalayan
Paano kaya sila madadamayan at matutulungan
Kung sila’y sinasaktan at pinapahirapan.
Mga impit na hikbi sa kalaliman ng gabi
Parang inakay na walang inahin sa tabi
Hinihimaymay bawat hibla ng pangyayari
Kung ano ang pagkukulang at pagkakamali.
Mga patak ng luha’y kay hirap pigilin
Mga tanong sa sarili’y kayhirap sagutin
Katulad ng iba pang patuloy na naninimdim
Umaasang isang araw sila ay darating.
Sa karanasa’y luha ang naging kandungan
Ng mga masasayang alaalang nasadlak sa kalungkutan
Ginugunita na lamang panahong may kagalakan
Agos nitong ilog sa mga mata namin dumaan.
Sandigan ng kahinaan ay kanilang katapangan
Pakikipagtunggali sa ngalan ng karapatan
Larangan ng pakikipaglaban, walang kasiguruhan
Pumapanday sa tama upang sa masa ay ipaalam.
NGAYON ANG MGA LUHANG DATI SA PISNGI UMAAGOS
NATUYO’T NAGPATIGAS NITONG DAMDAMING HUMUHULAGPOS
NATUTONG ITAAS YARING KAMAONG NAGPUPUYOS
GALIT SA NANGINGIBABAW
LALABAN NA TULAD NG ISANG UNOS!

No comments:
Post a Comment